Kobe Paras Player na ng UP Fighting Maroons
Kinumpirma ito ni UP head coach Bo Perasol kanina (July 11).
Opisyal na makapaglalaro si Paras para sa UP simula sa Season 82, matapos ang one-year residency period. Siya ay sasama sa line-up ng Maroons kasama si Gilas Pilipinas cadet Ricci Rivero na nag-anunsiyo naman ng pagsali sa Maroons noong May.
Susundan ni Paras ang yapak ng kaniyang ama na si Benjie Paras na siyang nanguna sa Fighting Maroons sa kanilang huling UAAP championship noong 1986 kung saan siya naging unang rookie-MVP sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association.
Sa statement, ipinahayag ni Paras ang kaniyang excitement hindi lang sa paglalaro para sa Maroons kundi pati na sa tyansa na makapag-aral ng kolehiyo sa UP. (C) -https://remate.ph